CAMP OLIVAS, Pampanga-BILANG sa sinumpaan tungkulin nagbuwis ng buhay ang isang pulis matapos mabaril ng isa dalawang suspek sa buy bust operation na ikinasawi rin ng mga huli, kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Orion.
Kinilala ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Regional police director Central Luzon, ang nasawi na si Cpl. Darnel Alfonso habang sugatan ang mga kasamahan nitong sina Maj. Dennis Duran at SSg. Glenn Salac , pawang mga kasapi ng Bataan Provincial Intelligence Unit (PIU).
Kinilala naman ang isa sa mga napatay na suspek na si Mark Anthony Capacia habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito.
Sa pinagsamang operasyon ng Bataan Police Intelligence Unit Orion Police Station, Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company at Criminal Investigation Detection Group-Bataan,naganap ang buy bust operation dakong 1:00 AM Mayo 23, 2023 sa Purok 8, Barangay Gen. Lim, Orion, Bataan
Inilatag ang buy-bust operations para sa paglabag sa RA 10591 laban sa mga suspek subalit nakatunog ang mga ito na pulis ang kanilang ka-transaksyon.
Advertisement