Home METRO Parak, isa pa huli sa paghithit ng shabu

Parak, isa pa huli sa paghithit ng shabu

CAGAYAN DE ORO CITY-  Shoot sa kulungan ang isang pulis at isang barangay worker matapos mahuli sa akto ng mga awtoridad na gumagamit ng ilegal na droga, Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Police Cpl Dave Nieves, 32, taga-Brgy. Gusa, kasapi ng Nazareth Police Station 9 at Jasper Laniosa, 25-anyos, taga-Brgy. Carmen.

Tugis naman ng pulisya ang target na si Yuriel Merto Roa, 24-anyos, na mabilis tumakas makaraang matunugan ang presensya ng pulisya.

Ayon kay COCPO spokesperson Lt Col. Evan Viñas, isinailalim nila sa intelligence monitoring ang mga suspek matapos makatanggap ng ulat hinggil sa paggamit ng ilegal na droga at nang magpositibo ay inilatag ang operasyon laban sa mga suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleJoel Cruz, nabudol sa Paris fashion show, nagdemanda!
Next articleDyip nawalan ng preno; 2 patay, 15 sugatan