Home NATIONWIDE Parak na nagpaputok ng baril sa labas ng bar sa QC, sinibak...

Parak na nagpaputok ng baril sa labas ng bar sa QC, sinibak na sa serbisyo!

MANILA, Philippines – Tinanggal na sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na si Lt. Col. Mark Julio Abong.

Matatandaan na inireklamo si Abong matapos magpaputok ng baril sa labas ng isang bar sa Quezon City noong Nobyembre 2023.

Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nitong Lunes, Enero 15, pinirmahan na niya ang dismissal order ni Abong noong Disyembre 18 na may kinalaman sa hit-and-run case noong Agosto 2022.

“As of this date, naiserve na yung dismissal order. I already signed the dismissal order,” sinabi ni Acorda sa isang press conference. RNT/JGC

Previous articleKai Sotto pursigidong pumasok sa NBA
Next articleNene pinatay, ibinaon sa loob ng kweba sa Quezon