Home METRO Parak na nagpatigil sa Commonwealth traffic para sa VIP ibinalik sa pwesto

Parak na nagpatigil sa Commonwealth traffic para sa VIP ibinalik sa pwesto

MANILA, Philippines- Ibinalik ng Quezon City Police District sa tungkulin ang police officer na nahagip sa viral video na pinatigil ang trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para sa hindi tinukoy na VIP, ayon kay Mayor Joy Belmonte nitong Martes.

Pinasalamatan ni Belmonte si Police B.Gen. Rederico Maranan, QCPD director, sa pagpapabalik sa pwesto kay Police Executive MSgt. Verdo Pantollano, na sinibak kasunod ng insidente nitong buwan lamang.

Matatandaang hinikayat ni Belmonte siMaranan noong nakaraang linggo na ibalik sa pwesto ang nasabing pulis matapos linawin ng Metropolitan Manila Development Authority na “interrupting traffic flow as a courtesy to VIPs is normal practice.”

Ani Belmonte, naramdaman niyang “injustice was committed” laban sa police officer matapos sibakin “for simply doing his job.”

“We promote fairness and justice in our city and ensure that no one will bear the burden for something that is not their fault,” pahayag niya.

Sa panayam nitong Lunes, ipinagtanggol ni Belmonte si Pantollano at ipinanawagan na ibalik siya sa serbisyo. RNT/SA

Previous articleSearch and rescue ops kasado para sa 3 nawawalang Pinoy sa Israel
Next article‘Operational flexibility’ ng PAF paiigtingin sa 3 bagong C-130 aircraft – DND