Home NATIONWIDE Parak na sangkot sa EDSA busway accident tinanggal sa pwesto

Parak na sangkot sa EDSA busway accident tinanggal sa pwesto

MANILA, Philippines – Tinanggal sa pwesto ang isang pulis na nasangkot sa isang bus crash sa EDSA carousel.

Sa isang video na nai-post online ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes, makikita ang isang sasakyan ng pulis na biglang pumasok sa exclusive bus lane.

Isang bus na bumibiyahe sa timog ang sinubukang iwasan ang sasakyan ng pulis at nauwi sa pagbangga sa isang MRT-3 railing malapit sa Santolan station sa Quezon City.

Limang pasahero ang nasugatan sa insidente.

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na na-ticketan na rin ang parak dahil sa reckless driving.

“The PNP emphasizes its zero-tolerance policy towards personnel misconduct,” saad sa pahayag ng pulisya. “We place utmost importance on strict adherence to traffic rules and regulations, as well as the responsible utilization of government-issued vehicles.”

Hindi naman ibinunyag ng PNP ang pagkakakilanlan ng sangkot na parak.

Ayon sa DOTr, tanging mga on-duty ambulance, fire truck, at police vehicle lang ang maaaring dumaan sa EDSA bus lane.

Ang mga sasakyan ng gobyerno ay maaari lamang gumamit ng bus lane kapag “gumaganap ng mga tungkulin at responsibilidad sa loob ng busway,” dagdag nito. Santi Celario

Previous articleGAB Chair Clarin nakipagdayalogo sa boxing promoters, matchmakers
Next articleMaaliwalas na panahon sasalubong sa Bagong Taon – PAGASA