Home METRO Parak patay sa pagsabog sa Lanao del Norte

Parak patay sa pagsabog sa Lanao del Norte

126
0

LANAO DEL NORTE- PATAY ang isang pulis matapos masabugan ng bomba habang nagsasagawa ng clearoing operations sa bumagsak na towe no. 14 ng Baloi-Aurora 138-KV line noong Huwebes, Setyembre 10 sa bayan ng Kauswagan.

Kinilala ang nasawi na si Police Senior Master Sgt. Roseller Hangka, miyembro ng Ordinance and Explosives Division.

Ayon kay Police Col. Sandy Vales, hepe ng Lanao del Sur, bandang 1:45 a.m. nang bumagsak ang nasabing tower sa Barangay Paiton, Kauswagan, Lanao del Norte.

Dumating ang mga pulis sa naturang lugar bandang 3:00 a.m. para magsagawa ng safety procedures pero dahil naputol ang kuryente, naghintay sila hanggang 5:30 a.m. para malinis ang lugar at matiyak ang kaligtasan.

Sinabi ni Vales, kinuha ni Hangka, ang isang Subscriber Identification Module card na nasa lupa subalit bigla na lamang itong sumabog at tinamaan si Hangka.

Agad naman isinugod sa ospital si Hangka subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Dagdag pa ni Vales, na labis nilang ikinalungkot ang nangyari kay Hangka.

Walang manual load dropping o power interruption ang ipinatupad pagkatapos ng insidente, habang ang pagkukumpuni ng tore ay magsisimula sa sandaling masiguro ang lugar.

Nakikipag-ugnayan na ang NGCP sa mga awtoridad para ma-secure ang lugar at matukoy ang mga salarin sa insidente.

Umapela si Vales sa mga mamamayan ng Lanao del Norte na huwag matakot dahil isa itong isolated case. Mary Anne Sapico

Previous articleForeign Affairs secretary bibisita sa Argentina
Next articleBomba sumabog sa bus terminal sa Batangas – mayor

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here