Home METRO Parak patay sa sagasa ng pick-up

Parak patay sa sagasa ng pick-up

Bulacan – Patay ang isang 26 anyos na lalaking pulis na gumaganap sa kanyang tungkulin matapos aksidenteng masagasaan ng pick-up sa bayan ng San Miguel

Kinilala ang biktima na si Patrolman Edmond John Arenas, residente ng Brgy. Buliran, Cabanatuan City, Nueva Ecija at kasapi ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Patrol Base, Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-5 ng umaga nitong  Miyerkules, Pebrero 28 sa Brgy. Balite, San Miguel.

Ayon sa report, lulan ang biktima sa likod ng Troop Carrier Hyundai 100 habang binabagtas ang southbound patungo sa direksyon ng Maynila at minamaneho ng kabarong si Patrolman Klein Orbita nang hingalin at manikip ang dibdib nito.

Kasunod nito, nahulog ang biktima na aksidenteng nasagasaan ng kasunod na Mitsubisihi L200 na pag-aari ng gobyerno ng Villaberde, Nueva Ecija at minamaneho ng isang nagngangalang Joel Rivera ng Nueva Ecija.

Dahil dito, agad dinala ng mga awtoridad ang biktimang pulis sa San Miguel District Hospital para sa paunang lunas subalit patay na ito.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya na kasalukuyang nagluluksa para sa pagkawala ng kanilang kabaro. (Dick Mirasol III)

Previous articleMag-ama bistado sa kasong pagnanakaw sa Pasay
Next articleBatas para sa motorcycle taxis pinabibilis na!