Parak tamang hinala sa bitbit na armas; 4 sundalo pinaulanan ng bala

Parak tamang hinala sa bitbit na armas; 4 sundalo pinaulanan ng bala

June 29, 2020 @ 7:54 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Jolo, Sulu – Patay ang apat na sundalo matapos umanong pagbabarilin ng mga pulis sa Sulu nitong Lunes, Hunyo 29, ayon sa isang ulat.

Ayon sa Bangsamoro Regional Police Office, sinita ng mga nagpa-patrolyang pulis ang apat na lalaki na lulan ng SUV dahil bitbit umano ng mga ito ang kanilang mga armas.

Samantala, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command na mga sundalo nga ang mga napatay sa engkwentro kung saan may ranggong captain at major ang ilan sa mga ito.

Patuloy namang inimbestigahan ang naganap na pamamaril. RNT/MM 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...