Home METRO Parañaque firm kinandado ng DMW sa ‘illegal recruitment’

Parañaque firm kinandado ng DMW sa ‘illegal recruitment’

545
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes na isinara nito ang maritime consultancy firm sa Parañaque City dahil sa umano’y unauthorized collection ng bayad at illegal recruitment activities.

Sinabi ng DMW na kasunod ito ng magkahiwalay na reklamo ng dalawang indibidwal na naghahanap ng trabaho sa Dubai at sa United Arab Emirates.

IIsang complainant ang inalukan umano ng posisyon ngayong taon bilang Chief Cook ng isang container vessel na may buwanang sweldo na UD$900 o P51,300, subalit pinagbayad ng P105,000 “consultancy fee” para sa trabaho.

Samantala, inialok naman sa ikalawang complainant ang pagiging Engine Cadet na may USD$350 o P20,000 monthly salary, subalit hiningan ng P140,000 “consultation fee.”

Subalit, matapos umanong magbayad, ilang buwang naghintay ang dalawang complainants waited para sa deployment notices na hindi dumating. Dahil dito, sumangguni sila sa DMW.

Anang DMW, inisyal itong nagsagawa ng surveillance operations sa kompanya noong March, at nitong June upang paigtingin ang kaso laban dito.

“We cannot allow these unlicensed agencies posing as ‘consultancy firms’ to continue offering supposedly lucrative job postings to our overseas Filipino workers (OFWs) and goading them to pay excessive amounts of money. This is criminal and unconscionable,” ayon kay DMW officer-in-charge at Undersecretary Hans Leo Cacdac.

Batay sa imbestigasyon, ang kompanya na matatagpuan sa Barangay Sto. Niño, ay walang valid license oo r accreditation mula sa DMW, at nagpoporoseso ng mga aplikasyong inire-refer dito ng partner manning agencies para sa “consultation fees” mula P105,000 hanggang P140,000.

Sinabi ng DMW na naghahanda itong maghain ng illegal recruitment charges laban sa mga sangkot na indibdiwal. Hinikayat din nito ang iba pang biktima na magsumbong. RNT/SA

Previous articleJoel Cruz, nagpaliwanag sa pagtulong sa cancer patients!
Next articleComelec nakatanggap ng 65 petisyon para sa COC cancellation, disqualification

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here