Home METRO Parañaque LGU, MTRCB lumagda ng MOU

Parañaque LGU, MTRCB lumagda ng MOU

MANILA, Philippines – Lumagda ang lokal na pamahalaan ng Parañaque at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng memorandum of understanding (MOU) para sa responsableng panonood ng telebisyon nitong Biyernes, Agosto 11 sa Parañaque City Sports Complex.

Pinangunahan nina Parañaque City Mayor Eric Olivarez at MTRCB Chairperson Diorella Maria Sotto ang paglagda sa naturang MOU.

Sinabi ni Olivarez na ang kanyang paglagda ng MOU ay upang maitulak pa ang pagpapalawak ng responsableng panonood ng telebisyon ng mga kabataan.

Pinasalamatan din ni Olivarez si Sotto sa pakikipagpartner ng MTRCB sa lokal na pamahalaan kaugnay sa pagprotekta sa moral character at personal development ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga programa na ipinapakita sa telebisyon na humihimok ng responsableng ugali ng panonood.

Sinisiguro din ni Olivarez kay Sotto na ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang pag-promote at pagpapatupad ng kaparehong programa ng MTRCB.

Bukod pa sa paglagda ng MOU ay nagsagawa din ang MTRCB ng seminar sa responsableng panonood ng telebisyon na nilahukan ng mahigit 200 estudyante at kanilang mga magulang.

Sa isinagawang seminar ay tinalakay dito ang classification ratings ng MTRCB at ang prinsipyo ng responsableng panonood ng ahensya gayundin ang paggamit ng digital platforms at digital parenting styles. James I. Catapusan

Previous article385 deported Ukraine children nakauwi na mula Russia
Next articlePolitical violence sa Ecuador, kinondena ni Pope Francis