MANILA, Philippiens – Itinalaga bilang bagong hepe ng Parañaque police si P/Col. Reycon Garduque kung saan pinalitan niya sa posisyon si outgoing polcie chief P/Col. Renato Ocampo.
Isinagawa ang turnover ceremony kasabay ng assumption of office ni Garduque nitong Huwebes (Agosto 3) na ginanap sa Parañaque City Police Station (CPS).
Sinabi ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez kay Garduque na ipagkakaloob ng lungsod ang buong suporta sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong hepe ng lokal na kapulisan.
Inatasan din ni Olivarez si Garduque na ipagpatuloy ang mga nasaimulang trabaho ni Ocampo sa pagmimintina ng katahimikan at kaayusan sa lungsod.
Kasabay nito ay pinasalamatan naman ni Olivarez si Ocampo sa kanyang ipinagkaloob na pagbibigay serbisyo bilang hepe ng kapulisan sa lungsod dahil sa pananatili ng katahimikan.
Dagdag pa ni Olivarez napanatili ni Ocampo ang pagiging drug-free ng 15 sa kabuuang 16 na barangay sa lungsod dahil sa kanyang maayos na pamamahala sa lungsod bilang hepe ng lokal na kapulisan. James I. Catapusan