Home ENTERTAINMENT Parasite actor Lee Sun-kyun, natagpuang patay sa loob ng sasakyan

Parasite actor Lee Sun-kyun, natagpuang patay sa loob ng sasakyan

SOUTH KOREA – Natagpuang-patay ang South Korean actor na bumida sa Oscar-winning film “Parasite” na si Lee Sun-kyun nitong Miyerkules, Disyembre 27.

Sa insisyal na ulat ng Seoul Seongbuk Police Station, nakitang walang malay ang aktor sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Waryong Park.

Una nang naalerto ang mga awtoridad matapos makatanggap ng emergency call nang pag-alis ni Lee sa tirahan nito at nag-iwan ng isang suicide note.

Nakita ang aktor sa loob ng sasakyan bandang alas-10:30 ng umaga na may charcoal briquettes sa passenger seat ng sasakyan.

“As he was pronounced dead, he wasn’t taken to hospital,” pahayag ng isang opisyal.

Bago mamatay, inimbestigahan si Lee dahil sa suspected drug use noong Oktubre.

Wala pang impormasyon kaugnay sa lamay at libing ng aktor.

Si Lee ay tumanggap ng pagkilala ng mundo sa pagganap bilang Park Dong-ik sa “Parasite.”

Gumanap din ng iba’t ibang role ang aktor sa mga K-drama katulad ng “My Mister,” “Coffee Prince,” “Pasta” at “Miss Korea.” RNT/JGC

Previous articleUlat sa MMFF 2023 ticket sales, fake news! – MMDA
Next articleHerlene, sinorpresa ng mga senior citizen!