Home NATIONWIDE Pari sa viral wedding video sa Negros humingi ng tawad

Pari sa viral wedding video sa Negros humingi ng tawad

MANILA, Philippines – Humingi ng tawad ang pari na sangkot sa viral video ng isang kasal na ginanap sa Amlan, Negros Oriental kung saan sinimulan agad nito ang misa kahit na naglalakad pa ang bride patungo sa altar.

Ayon sa bride na si Janice Seit Suelto-Sagario, sinimulan na umano ng pari ang seremonya daihl sila ay late.

Ang kasal ay itinakda alas-8 ng umaga noong Sabado, Hunyo 8.

Sa kabila nito, sinabihan sila ng isa sa mga ninang sa kasal na sinabi umano ng isang manggagawa mula sa St. Andrew Parish na ang oras ng kasal ay inilipat at ginawang 9:30 ng umaga.

Nalaman na lamang ng bride na hindi pala nagbago ang kanilang schedule nang dumating sila ilang minuto bago mag-alas-9.

Ayon sa bride, sinermunan umano siya ng parish staff sa pagiging late at hindi sila binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

Dagdag pa, nang nasa altar na ang ikakasal ay nanermon din ang pari at nagpasaring pa na akala niya ay nanganak na ang bride dahil hindi ito nakarating ng tama sa oras.

Sa pahayag, sinabi ng parish office na hindi nagkaroon ng pagbabago sa schedule ng naturang simbahan sa araw ng kasal.

“This is unfortunate since there was no instruction at all from anyone in the Parish Office that there are changes in the schedule since there was a scheduled Funeral Mass at 9:30 a.m. of that same morning,” ayon sa parish priest na si Msgr. Albert Erasmo Bohol.

“Parish Office staff believe that the lady sponsor may have misread the dates written on the bulletin (board), which she perused the night before,” dagdag pa.

Nagpatuloy pa rin ang pari sa pagmimisa sa kasal sa kabila na dumating ng huli kaysa sa inaasahang oras ang entourage.

“Despite the fact that they were late by an hour, still our Assisting Priest celebrated the Mass out of charity to the couple. But he had to hurriedly make some adjustments, by starting when he saw the bride at the Church entrance, and after sending word to the bereaved family waiting outside the Church that there is going to be a delay in the Funeral Mass and to please wait until the wedding is over,” ani Bohol.

Humingi na ng tawad ang simbahan sa bride at groom, at sa kani-kanilang mga pamilya.

Nakatakdang ikasal ulit ang bride at groom sa Hunyo 17, 2024. RNT/JGC