Manila, Philippines – Yes, live performances are definitely back.
After the success of Ang Huling El Bimbo ng Eraserheads, this time, it’s the turn of Parokya Ni Edgar the musical.
Kung matatandaan, sa last part ng Ang Huling El Bimbo musical which was held at the Newport Performing Arts theater, kinanta ng full cast ang classic hit ng Parokya na Harana. Nakita rin ang ilang simbulo na maiuugnay sa top hits ng Parokya gaya ng gitara para sa Harana, slice ng pizza para sa Picha Pie, bigote para sa Mr. Suave, bote ng beer para sa Inuman Na, at manok para sa Chikinini.
May lumitaw din na nakasulat na “Abangan 2024.”
Ayon kay Dingdong Novenario, ang nagsulat ng Ang Huling El Bimbo musical, “Reveal yourself!!!” kasabay ng paglilinaw na hindi siya ang magsusulat para sa susunod na musical.
Sa Instagram, sinabi ng Parokya vocalist na si Chito Miranda na, “Ginawa nila ‘to during the final curtain call ng Ang Huling El Bimbo.
Taong 2018 nang magsimula ang Ang Huling El Bimbo musical na tinugtog ang nasa 40 awitin ng banda. Muli itong ipinalabas sa treatro noong Abril. Joey Sarmiento