SEOUL – Iniulat ng militar ng South Korea nitong Miyerkule na nakuha nito ang parte ng North Korean spy satellite na lumubog sa dagat noong Mayo matapos ang paglulunsad nito, kung saan napag-alaman na hindi ito maaaring gamitin para sa military surveillance.
Narekober ng militar nitong nakaraang buwan ang rocket na ginamit sa palpak na paglulunsad ng North Korea ng una nitong military satellite, matapos bumagsak ang booster at payload sa dagat ilang saglit matapos ang takeoff.
“After detailed analysis on major parts of North Korea’s space launch vehicle and satellite which were salvaged, South Korean and US experts have assessed that they had no military utility as a reconnaissance satellite at all,” pahayag ng militar.
Inihayag ng militar ng South Korea na winakasan na nito ang salvage operations ngayong Miyerkules. RNT/SA