MANILA, Philippines- Sinabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na posibleng patawan ngĀ legal charges ang mga kandidato na tatakbo sa October 2023 “Barangay and Sangguniang Kabataan Elections” (BSKE) na suportado ng “communist terrorist group” (CTG) at front organizations nito.
Ito ang babala ni Regional Task Force-ELCAC 6 spokesperson Prosecutor Flosemer Gonzales.
Sinabi ni National Youth Commission (NYC) chair Undersecretary Ronald Cardema, dumalo sa nasabing event, nakikipag-ugnayan na ang kanilang regional offices kayĀ Office of Vice President (OVP) atĀ kasalukuyang Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na mahigpit na i-monitor ang mga eskuwelahan lalo na iyongĀ “vulnerable” saĀ recruitment activities ngĀ CTG front organizations.
Nauna nang itinalaga si Duterte bilang co-vice chairperson ng NTF-ELCAC kasama si National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año.
Ang NTF-ELCAC ay pinangungunahan ni PangulongĀ Ferdinand R. Marcos Jr.
Kapwa naman dismayado sina Gonzales atĀ Cardema sa nabanggit ng una naĀ āfrom books to armaliteā bansag saĀ recruitment ng mga grupong ito sa hanay ng mga estudyante at maging saĀ out-of-school youth (OSY) sector na nag-promote ng armed violence at madugong pagpapabagsak sa gobyerno.
Umapela naman ang mga ito sa mgaĀ school administrators at guro na huwag tulungan ang recruitment activities ng grupong gaya ng Anakbayan, the underground Kabataang Makabayan (KM), Gabriela, Anakpawis, at iba pa dahil “they too are not immune from legal suit.”
āTo teachers, especially school administrators, who teach our students to bear arms, you are criminally liable. We will do anything to file charges against you,ā ayon kay Gonzales.
Suportado naman ni Cardema ang posisyon ni Gonzales. Binigyang diin ni Cardema ang pangangailangan para mapigilan ang mgaĀ fronts mula sa pagsasagawa ngĀ recruitment activitiesĀ sa hanay ng mga estudyante para suportahan angĀ SK candidates na iba-bankroll ng CTGs.
āAll areas are being monitored through our regional NYC offices. Even the teachersā ranks, they should be monitored. Teachers serve as advisers of these students. If we can stop all these recruitment activities, the NPA will die down naturally. Why? Because they canāt recruit senior citizens to become terrorists,āĀ ayon kay Cardema.
Tinuran naman ni Gonzales na ang papel ng Vice President ay mahalaga para hadlangan angĀ NPA recruitment sa mga eskuwelahan.
āThey (fronts) will not succeed in our schools through the help of the Vice President and Education Secretary Sara Duterte,ā ani Gonzales sabay sabingĀ ācritical thinkingā ay hindi dapat ginagamit bilang excuse para payagan ang mga estudyante na maka-ugnayan ang CTG fronts.
Para naman kay Cardema, minsan ng umamin na isa siyang KM recruit mulaĀ UP-Diliman, sinamantala ngĀ CPP-NPA-NDF fronts ang āidealismā ng mga estudyanteĀ na ni-recruit ang mga ito bilang New People’s Army fighters.
āOur focus now is to fight youth recruitment in schools and communities by the NPA. Itās time to prevent this for the sake of nation building,ā ani Cardema sabay tukoy saĀ āYouth and National Building Actā na iniakda ni Pangulong Marcos noong siya ay mambabatas pa lamang.
“The battleĀ will also continue in Congress wherein remnants of the Makabayan bloc continue their lies and deceptions,” anito.
āThrough the NTF-ELCAC, weāre able to reduce their number. Noon ay walo sila hanggang sa naging anim. Ngayon, tatlo na lang sila,ā dagdag na pahayag nito.Ā Kris Jose