Home NATIONWIDE Parusa sa e-bikes, e-trikes sa nat’l roads sinisilip ng MMDA

Parusa sa e-bikes, e-trikes sa nat’l roads sinisilip ng MMDA

MANILA, Philippines- Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aaprubahan ng Metro Manila Council sa susunod na linggo ang panukalang parusa sa e-bikes at e-tricycles na mahuhuling dumaraan sa national roads.

“Nagkaroon naman po kami ng TWG meeting last week, and halos lahat naman po ay in unison, unanimous po na gusto talagang magkaroon ng tamang regulasyon dito, kasama na ang DOTr, LTO and LTFRB,” pahayag ni MMDA Director for Traffic Enforcement Group Atty. Victor Nunez sa isang public briefing.

Ayon pa kay Nunez, bagama’t naglabas na ng administrative order ang Land Transportation Office noong 2021 sa mga alituntunin para sa e-vehicles – e-bikes, e-motorcycles, e-trikes, hindi nito tinukoy ang mga parusa at multa.

“Iyon po ang problema kasi there’s no definitive fine for them. Nakalagay lang kung saan sila puwedeng dumaan at sino ang puwedeng magdala ng lisensiya kapag ang e-bike mo or e-trike may maximum speed level – iyon lang po ang policy na iyon,” pahayag ni Nunez.

Nauna nang inihayag ng MMDA na nakikipag-ugnayan ito sa LTO para sa mandatory registration ng mga sasakyang ito at gawing rekisitos sa mga driver ang pagkuha ng lisensya. RNT/SA

Previous articleCrew ng barko nahulog sa dagat, nagkapira-piraso!
Next articlePhilSA nagbabala vs debris mula sa rocket launch ng Tsina