Home NATIONWIDE Parusa vs financial scammers hihigpitan ng Senado – Poe

Parusa vs financial scammers hihigpitan ng Senado – Poe

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Senador Grace Poe na mas hihigpitan ng Senado ang parusang ipapataw sa sinumang manloko sa usaping pinansiyal o financial scammer sa anumang platform upang protektahan ang mamamayan laban sa panloloko ng ilan sa online banking at digital payments.

Sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services, na pangunahing layunin ng Senate Bill No. 2560 o ang Anti-Financial Account Scamming Act, na protektahan ang mamamayan sa paggamit ng digital wallets at iba pang uri.

“They say that there are only two certain things in life: death and taxes. Ngayon, mukhang kinakailangan na nito ng amendment: death, taxes, and scams,” ayon kay Poe.

“These fraudulent schemes and rackets have become the bane of our financial consumers,” dagdag niya.

Pangunahin sa parusang ipapataw sa digital scammers ang pagkakakulong simula anim na taon hanggang 10 taon, at multang mula P500,000 hanggang P10,000,000 depende sa bigat ng krimen, sa sinumang mapatutunayan na nanloko sa digital financial transaction.

Bilang isa sa pangunahing isponsor ng panukala, sinabi ni Poe na “ipinanganak ang panukala dahil lubha na itong kailangan ng bansa” laban sa financial scammers.

Kabilang din sa ipinagbabawal ng panukala ang pagiging money mule, nagsagawa ng social engineering scheme at economic sabotage sa pamamagitan ng paglalataga ng ilang safety measures upang matiyak na protektado ang mamamayan.

Nakatakda din sa panukala na inatasan ng AFASA ang lahat ng responsablengng institution na protektahan at siguraduhin ang financial accounts ng kanilang kliyente sa pamamagitan ng paglalagay ng sapat na risk management systems at controls kabilang pero hindi limitado sa multi-factor authentication (MFA), fraud management systems (FMS), at account-holder enrollment at verification processes.

Lumakas ang online financial transaction nang magsimula ang pandemya pero dumami din ang nagsamantala at nanloko sa internet.

Kahit ngayon, ayon kay Poe, base sa ilang news reports, may 120 e-wallet account holders ang nawalan ng pera sanhi ng phishing scam na iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

“These stories and other countless reports of scams, shams, and other deceits only cement our status as a scamming hotbed in Asia,” ayon kay Poe.

Noong 2022, pumwesto ang Pilipinas sa ika-limang ranggo sa lahat ng bansa sa Southeast Asia na laganap ang pag-atake at insidente ng phishing.

Nalugi ang bansa ng mahigit P623 milyon sa panloloko, P623 million sa phishing; at P409 million sa identity theft.

“Mas malala pa ito as cyber security experts believe that these incidents will only get worse in 2024 and beyond,” ayon pa kay Poe.

Pinangungunahan ni Poe ang pagsasabatas ng Republic Act (RA) 11934 o ang SIM Registration Act upang palakasin ang seguridad digital transactions.

“Ngayon naman, hihigpitan natin ang seguridad ng ating mga financial accounts tulad ng GCash, Maya, online banks, pati mga e-wallets ng mga pinakagamit na apps tulad ng Shopee, Lazada at Grab,” aniya.

Nagsilbing co-author din si Poe ng RA 11765 o ang Financial Products and Services Consumer Protection Act upang protektahan ang consumers ng financial products at serbisyo tulad ng pautang, securities at investments.

“While financial education and literacy is still key in preventing these schemes, kinakailangan natin ng mas kongkretong aksyon para habulin at parusahan itong mga manloloko at masasamang loob,” ani Poe.

“These schemes chip away the trust in our financial system—threatening to undo years of progress in financial inclusion and digital innovation,” giit pa ni Poe. Ernie Reyes

Previous articleDILG magbibigay ng tig-P13M sa 75 LGUs para sa pagsasaayos ng water systems
Next articleComelec nakapagtala na ng higit 400K bagong botante