SEOUL – Huli ang isang pasahero sa isang flight ng Asiana Airlines na binuksan ang pinto ng eroplano sa gitna ng himpapawid ilang minuto bago ito lumapag sa Daegu, South Korea.
Ang dahilan ay bunsod ng hindi raw ito kumportable.
Panoorin: https://www.facebook.com/worldtoday72/videos/938243970561877
Ang lalaking suspek na nasa sa edad na thirties, ay nagsabi sa pulisya na binuksan niya ang pinto dahil “gusto niyang mabilis na bumaba ng eroplano”. Sinabi rin niya sa pulisya na na-stress siya matapos mawalan ng trabaho kamakailan.
Binuksan ng lalaki ang pinto nang ang eroplano ay humigit-kumulang 700 talampakan (213m) sa ibabaw ng lupa, na nagdulot ng takot sa mga pasahero.
Siyam na pasahero ang ipinadala sa ospital na may problema sa paghinga. RNT