Home METRO Pasahero ng nagkaaberyang yate sinagip ng PCG

Pasahero ng nagkaaberyang yate sinagip ng PCG

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang yate na nagkaaberya habang nasa relief effort sa Davao Oriental.

Ang rescue operation ay isinasagawa habang aktibong nagbibigay ng tulong sa mga residente na naapektuhan ng malakas na pag-ulan at patuloy na pagbaha sa bayan ng Mati City, Davao Oriental kahapon.

Tinulungan at hinatak patungo sa Island Garden City of Samal (IGACOS) ng BRP Suluan (MRRV 4406) ng (PCG) ang maliit na sasakyang pang dagat na may lulan ng isang British national na kinilalang si G. Christopher James McGeoug.

Agad namang binigyan si McGeough ng atensiyong medical upang matiyak na siya ay nasa mabuting kalagayan, at kinumpuni na rin ang kanyang yate. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMotorsiklo sumadsad sa ilalim ng trailer truck, sekyu dedbol!
Next articlePeryante nagreklamo sa Senado vs harassment ng pulis