Home NATIONWIDE Pasaporte ni Teves kanselado na – DFA

Pasaporte ni Teves kanselado na – DFA

MANILA, Philippines- Kinansela na ang pasaporte ng dating mambabatas na si Arnolfo Teves Jr., ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes.

Tugon ito ni Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza ukol sa passport status ni Teves.

“It has been canceled per info from [Office of Consular Affairs]” ani Daza.

Sa hiwalay na mensahe, ipinaliwanag ni Daza na kapag natukoy na bilang kanselado ang isang pasaporte sa passport system, ito ay magiging “red flag for any application in all DFA consular offices within and outside the Philippines.”

“At the same time, the cancellation is reported to both [Bureau of Immigration] and to the Interpol office in PH. The Interpol office in PH will report this cancellation to Interpol HQ which will put the passport in its alert system in all international border controls,” dagdag ng opisyal.

Kinumpirma ng Department of Justice nitong Huwebes ang pagkakaaresto kay Teves sa Timor Leste.

Inaakusahan ang dating mambabatas ng pagiging mastermind sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam pa sa Negros Oriental. RNT/SA

Previous articleTemporary residents sa Canada lilimitahan
Next article1st Women in Sports Awards: Mga atletang Pinay pinuri ni Bong Go