Home METRO Pasig River Ferry Service palalawakin ng MMDA

Pasig River Ferry Service palalawakin ng MMDA

MANILA, Philippines – Dahil sa matinding pangangailangan ng mga commuter, plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawakin ang operasyon ng Pasig River Ferry Service bilang alternatibong paraan ng transportasyon.

Sa radio interview, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na tatlong 150-seater na mga ferry ang kasalukuyang nakarehistro sa Maritime Industry Authority (Marina) kaya maaaring i-deploy ang mga ito para sa mga operasyon.

“Sa ngayon po nabigla kami. Lahat po ng biyahe namin puno. Mayroon pa ngang hindi makasakay,” dagdag pa ni Artes.

Sinabi ng MMDA na ang mga sakay ng Pasig River Ferry Service ay patuloy na tumataas, batay sa mga numero na iniulat nito sa social media.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2023, ang kabuuang ridership ay nasa 233,660 o 56% na mas mataas kaysa sa 149,574 tally sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ang ferry service ay may 13 stations: Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambingan, Sta. Ana, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Lawton, Escolta, at Quinta.

Kasalukuyang tinitingnan ng MMDA na tapusin ang mga natitirang repair works sa mga ferry service stations.

Sinabi ni Artes na kasalukuyang nakikipagtulungan ang MMDA sa Philippine Coast Guard para sa operasyon ng ferry service, idinagdag na ang tulong nito ay umabot sa pag-aayos at pagpapaganda ng mga sasakyang pandagat, at pagbibigay ng seguridad. Santi Celario

Previous articleAl Jazeera cameraman patay sa Israeli attacks sa Gaza
Next articleTirador ng kable sa Malabon, huli sa akto!