Home NATIONWIDE Pasimuno ng gulo sa WPS, Tsina ‘di Pinas – solon

Pasimuno ng gulo sa WPS, Tsina ‘di Pinas – solon

MANILA, PhilippinesPumalag ang Philippine senators nitong Biyernes sa China, at sinabing nag Asian giant, hindi ang Pilipinas, ang nag-uumpisa ng kaguluhan sa West Philippine Sea, na saklaw ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na may karapatang magpatrolya nag bansa sa katubigan nito.

“It has always been China who stirs up trouble in the West Philippine Sea, not the Philippines,” giit ni Hontiveros.

“Our country should be free to patrol our waters with whomever we choose, whenever we want. This is our right as a sovereign nation,” dagdag niya.

Inihayag niya ito matapos sabihin ng China na ang Pilipinas ang nagsisimula ng gulo sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagpapatulong sa foreign forces para magpatrolya sa Philippine waters.

Anang China, ang pagkuha ng supota ng ibang bansa ay naglalayon “to stir up trouble” at “undermine regional peace and stability.” Patuloy ang pagbalewala ng China sa international arbitral na nagdedeklara sa West Philippine Sea bilang parte ng Philippine EEZ.

Sinabi ni Hontiveros na bukas siya sa joint naval exercises ng Pilipinas kasama ang mga kaalyado nitong Japan, Australia, India at iba pang bansa na committed sa rules-based order sa West Philippine Sea at sa kabuuan ng South China Sea.

“China, however, wants to stop us from engaging with our allies because she knows she cannot prevail against a coalition. If she has a problem with our presence in our own waters, she is more than welcome to leave,” ani Hontiveros.

Sa isang ambush interview sa sidelines ng Asia-Pacific Parliamentary Forum, sinabi naman ni Sen. Francis Tolentino na may karapatan ang Pilipinas na magsagawa ng joint patrols sa West Philippine Sea.

“It’s our right. That’s ours. Didn’t I suggest quad patrols earlier?” giit ni Tolentino. RNT/SA

Previous article3 menor-de-edad nalunod sa ilog!
Next articleCastro: Dagdag-sahod sa gov’t employees sa 2024, ‘drawing’ ba?