Home METRO Paslit napatay sa hataw ng payong

Paslit napatay sa hataw ng payong

MANILA, Philippines – Patay ang 3-anyos na paslit na lalaki nang mapatay umano ito ng 30-anyos na suspek matapos hatawin ng payong sa Block 2 Lot 10, Nest Peaks, Barangay Cupang, Antipolo City.

Dahil dito, nahaharap sa kasong Homicide na may service of sentence na Most Wanted Person (MWP) ang suspek na kinilalang si Kevin Ramirez, may asawa, isang customer service representative at nanunuluyan sa Antipolo City.

Batay sa ulat ni Police Liutenant Coronel Nelson Cortez, Station Commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, bandang 12:30 ng hapon nitong Marso 12 nang isilbi ang arrest warrant kay Ramirez sa naturang lugar.

Ayon sa korte, nagbunsod sa pag-aresto sa suspek, makaraan umanong hatawin ng payong ang paslit na siya nitong ikinamatay.

Dahil dito, naglabas ng warrant of arrest ang korte na inisyu ni Hon. Cecilyn Burgos – Villavert, Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region Branch 102 ng Quezon City na may petsang Marso 1, 2024 dahil sa kasong homicide.

Base sa report ni Police Staff Sargent Solomon Batallier na may hawak ng kaso, matapos makipag-ugnayan ang akusado, ito mismo ang nagbigay ng salaysay sa naturang insidente. Rene Crisostomo

Previous articleFollow-up concert ng Sha-Gab, ‘di na tuloy!
Next articleMga kasambahay sa Central Luzon may taas-sahod sa Abril 1 – DOLE