Paslit, natagpuang walang buhay sa tubuhan sa NegOcc

Paslit, natagpuang walang buhay sa tubuhan sa NegOcc

March 26, 2020 @ 9:15 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Negros Occidental – Natagpuang patay ang 8-anyos na batang sa isang tubuhan sa Barangay Andulauan sa Ilog, Negros Occidental, Miyerkoles ng umaga.

Nakita na lang umano ito ng mga taga-gapas ng tubo sa Hancienda Palma na naaagnas na at walang damit pang-ibaba.

Paniniwala ng mga pulis, pinagsamantalahan umano ang bata.

Ayon kay Police Maj. John Ganzon, hepe ng Ilog Municipal Police Station, tatlong linggo nang pinaghahanap ang biktima ng kanyang pamilya.

Sa ngayon ay may persons of interest na ang pulisya sa kaso habang isasailalim naman sa autopsy ang bangkay para malaman kung ano ang ikinamatay ng paslit. Remate News Team/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...