Home METRO Paslit nilamon ng ilog

Paslit nilamon ng ilog

MANILA, Philippines – Nalunod ang 11-anyos na batang lalaki sa ilog sa Purok Seawall, Barangay Punta Taytay sa Bacolod.

Ayon kay Police Capt. Michael Tuburan, hepe ng Police Station 9, ang biktima ay residente ng Barangay Tangub.

Nagtungo ang biktima kasama ang dalawa pang kaibigan para maglaro at kalaunan ay nagdesisyong maligo sa ilog.

Ilang minuto pa ang nakalipas, napansin ng dalawang batang kasama na humihingi ng tulong ang biktima.

Dinala ng mga rescuer ang biktima sa ospital ngunit idineklarang patay. RNT/JGC

Previous articleLalaki pinagtataga ng kainuman sa Negros
Next articleKalansay ng nawawalang lalaki natagpuan sa Negros