Home METRO Paslit patay sa sunog sa Antipolo

Paslit patay sa sunog sa Antipolo

MANILA, Philippines – Patay sa sunog ang 5-anyos na bata sa sunog na naganap sa Antipolo City.

Ayon sa chairman ng Barangay Cupang, sugatan naman ang ama ng biktima na sinubukan pang sagipin ang kanyang anak.

Samantala, hindi bababa sa 17 bahay ang natupok ng sunog at 21 pamilya ang apektado.

Napabayaang kandila umano ang pinaghihinalaang sanhi ng sunog ayon sa mga awtoridad.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring sunog. RNT/JGC

Previous articleDam gates ng Angat, Ipo at Ambuklao nakabukas – PAGASA
Next articleSekyu natagpuang pugot-ulo sa Balintawak