Home METRO Pasok sa city hall ng Maynila, Valenzuela suspendido na rin sa smog

Pasok sa city hall ng Maynila, Valenzuela suspendido na rin sa smog

MANILA, Philippines – Kasunod ng smog na naitala sa Metro Manila, sinuspinde na rin ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City at Maynila ang pasok sa mga opisina ng kanilang city hall.

Ayon sa Valenzuela City LGU, suspendido na ang pasok sa City Hall mula alas-2 ng hapon ngayong araw, Setyembre 22, 2023.

Ang suspensyon sa pribadong kompanya ay depende na sa desisyon ng kanilang mga pamunuan.

Samantala, inanunsyo rin ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, na kanselado na rin ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno sa City Hall sa Maynila kabilang ang mga satellite office nito simula ala-1 ng hapon.

Sa kabila nito ay nilinaw ng pamahalaang lungsod na hindi kasama sa suspensyon ng pasok sa city hall ang mga departamento na kabilang sa pagbibigay ng basic at health care services, preparedness/response sa mga kalamidad at sakuna at iba pang mahahalagang gawain.

Abiso ng Manila LGU sa publiko, mag suot ng facemask at limitahan ang outdoor activities kung kinakailangan. JAY Reyes

Previous articlePasok sa ilang korte sa Batangas, Cavite suspendido sa smog
Next articleSmog sa Metro Manila walang kinalaman sa bulkang Taal – PHIVOLCS