MANILA, Philippines – Apektado na rin ang trabaho ng ilang korte sa Batangas at ilang lugar sa Cavite bunsod ng mapanganib na smog mula sa bulkang Taal.
Sinuspinde na ng Supreme Court ang trabaho ngayong araw, Setyembre 22 sa mga korte gaya sa Taal, Batangas Regional Trial Court Branch 86, Taal-San Nicolas, Batangas 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC), Alitagtag-Sta. Teresita, Batangas 3rd MCTC, lahat ng mga korte sa Trece Martires City, General Trias City, at Tanza sa Cavite.
Sa bulletin ng PHIVOLCS, limang volcanic tremors na umaabot ng 575 minuto ang naitala sa bulkan mula alas-5:00 ng umaga nitong Huwebes, Setyembre 21, hanggang alas-5:00 ng umaga ngayong Biyernes.
sa ulat, tumaas ang sulfur dioxide emission mula 4,322 tonnes nitong Martes ay naging 4,569 tonnes kahapon.
Maliban sa vog, napuna ng PHIVOLCS ang “upwelling of hot volcanic fluids” sa Main Crater Lake. Teresa Tavares