Home NATIONWIDE Passenger Bill of Rights dapat pag-aralan – Bautista

Passenger Bill of Rights dapat pag-aralan – Bautista

MANILA, Philippines – Nais ni Transportation Secretary Jaime Bautista na muling pag-aralan ang Passenger Bill of Rights matapos na magreklamo ang ilang mga pasahero sa Manila North Port Passenger Terminal kaugnay sa mga nakanselang biyahe.

Ayon sa mga pasahero, late na nag-text sa kanila ang shipping companies tungkol sa kanselasyon. Nakaalis na umano sila sa kanilang mga tahanan at hindi na makakabalik pa dahil galing pa ang mga ito sa probinsya.

Dahil dito ay kinailangang matulog sa sahig ng ilang mga pasahero dahil wala ring sapat na upuan.

Umaasa naman ang iba sa libreng pagkain dahil kulang na ang kanilang badyet, ngunit wala ring natanggap ang mga ito.

“‘Yung Passenger Bill of Rights dapat it should apply not only to airplane passengers, dapat yan siguro sa lahat ng transport sectors,” ani Bautista.

“Siguro magkakaroon lang ng kaunting variation depende sa sector…So ‘yan pag-usapan namin sa aming mga meetings with the attached agencies.” RNT/JGC

Previous articlePBBM nag-imbita sa Simbang Gabi sa Malakanyang
Next articleBackchannel talks sa China ipinanukala ni Gatchalian