Home ENTERTAINMENT Pastorang ina ni Angeli, nawindang!

Pastorang ina ni Angeli, nawindang!

Manila, Philippines- May katwiran naman pala talagang tutulan ng kanyang mga magulang ang ginagawang paghuhubad ni Angeli Khang.

To her credit, hawak ni Angeli ang record bilang Vivamax Queen.

Angeli has a lot to thank her predecessor AJ Raval for.

Kung hindi kasi namahinga si AJ sa paggawa ng mga mapangahas na pelikula sa nasabing film company, hindi sana “nakatsamba” si Angeli.

Ang maganda kay Angeli, tipong ginamit lang niyang stepping stone ang paghuhubad to get noticed.

Nang makalikha ng pangalan, she broke free from her daring image and took the route to serious acting.

Pero alam n’yo bang ikinawindang ng mga magulang ni Angeli ang ginawa niyang paghuhubad?

Her parents could not be faulted though.

For one, isang military general pala ang kanyang ama.

It’s the wish of Angeli’s father na mag-concentrate ang anak sa sports like marathon, basketball or volleyball at taekwondo.

Feeling daw ng aktres, lesbian ang tingin ng kanyang ama sa kanya.

Mahigpit ding tinutulan noon ng ina ni Angeli ang larangang pinasok.

Pastora pala ang nanay ng aktres na naloka sa mga pinaggagagawa niya, palibhasa’y high school pa lang siya nang pumasok sa showbiz.

Malimit daw usisain ng ina kung sino ang direktor ng anak na nag-uutos ng mga eksenang ginagawa niya sa pelikula.

Sinasabi na lang daw ng ina na: “Ipagdarasal ko na lang sila!”

‘Di naglaon ay natanggap na raw ng pastorang ina ang trabaho ni Angeli.

At least daw ay walang taong tinatapakan ang kanyang anak.

Angeli sheds off her daring screen image as she’s cast as Nimfa in GMA’s Black Rider. Ronnie Carrasco III