Home HOME BANNER STORY Patay sa Afghaniztan quakes 2,053 na!

Patay sa Afghaniztan quakes 2,053 na!

KABUL- Patay sa malalakas na lindol sa Afghanistan ang mahigit 2,000 inidbidwal habang mahigit 9,000 ang sugatan, ayon sa Taliban administration nitong Linggo, sa deadliest tremors sa loob ng ilang taon sa quake-prone mountainous country.

Sa gitna ng kaguluhan, umakyat ang death toll sa mga lindol nitong Sabado mula 500 nitong Linggo ng umaga at 16 noong Sabado ng gabi.

Tumama ang mga lindol 35 km (20 miles) northwest ng lungsod ng Herat, kung saan umabot ang isa sa 6.3 magnitude, ayon sa US Geological Survey (USGS).

Inihayag ni Mullah Janan Sayeeq, spokesman ng Ministry of Disasters, 2,053 inidbidwal ang patay, 9,240 ang sugatan at 1,329 bahay ang napinsala o nawasak.

Mahigit 200 patay ang dinala sa iba’t ibang ospital, base sa Herat health department official na nagpakilalang si Dr Danish, at sinabing karamihan sa mga ito ay mga kababaihan at mga bata. RNT/SA

Previous articleLPA trough, localized thunderstorms magpapaulan sa Pinas
Next articleF2F classes sa ilang lugar suspendido ngayong Lunes, Oct. 9, 2023 sa vog