Home NATIONWIDE Patay sa China quake, 131 na

Patay sa China quake, 131 na

CHINA – Umakyat na sa 131 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.2 na lindol na tumama sa northwestern China nitong Lunes, Disyembre 18.

Kasabay nito, mahigit 700 katao ang nasaktan, at maraming mga kalsada, gusali at imprastruktura ang nasira.

May mga residente pa ring patuloy na pinaghahanap ng emergency workers mula sa mga gumuhong gusali, kabilang ang isang landslide na naitala sa lugar.

Sinabi naman ng State broadcaster na CCTV na 113 ang kumpirmado nang patay sa Gansu, at 536 ang sugatan sa nasabing probinsya habang 18 ang nasawi at 198 ang sugatan sa Qinghai.

Umabot naman sa siyam na aftershock ang naitala 10 oras makalipas ang lindol.

Umapela na ng tulong ang mga awtoridad sa Gansu para sa 300 karagdagang manggagawa para sa search and rescue operations. RNT/JGC

Previous article2 pulis-QC sinibak sa pwesto sa kumalat na video ni Ronaldo Valdez – PNP
Next article2.6M pasahero daragsa sa PITX