MYANMAR – Umakyat na sa 81 ang death toll sa Myanmar matapos manalasa ang Bagyong Mocha.
Noong Linggo ay naglandfall ang bagyo taglay ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras, dahilan para patumbahin nito ang mga poste ng kuryente at sirain ang mga bangkang pangisda.
Nasa 46 katao ang nasawi sa Rakhine state villages ng Bu Ma at kalapit na Khaung Doke Kar, na pawang pinaninirahan ng mga Rohingya Muslim minority.
Labingtatlong katao naman ang nasawi nang mag-collapse ang isang monasteryo sa Rathedaung township, hilaga ng Rakhine capital na Sittwe, habang isang babae rin ang nasawi nang gumuho ang isang gusali sa kalapit na barangay nito.
“There will be more deaths, as more than a hundred people are missing,” sinabi ni Karlo, pinuno ng Bu Ma.
Ang bagyong Mocha na ang pinakamalakas na bagyong tumama sa lugar sa mahigit isang dekada. RNT/JGC