Home HOME BANNER STORY Patay sa Davao de Oro landslide, halos 100 na

Patay sa Davao de Oro landslide, halos 100 na

MANILA, Philippines – Halos 100 na, o 98 indibidwal ang kumpirmadong nasawi mula sa landslide na tumama sa Maco, Davao de Oro.

“As of 12 noon today, we have a total of 98 retrieved bodies which includes complete body parts and body parts,” sinabi ni Management of the Dead and the Missing (MDM) unit personnel, Lea AƱora sa press briefing nitong Sabado, Pebrero 17.

“Eighty-eight were complete body parts and 10 body parts and we have 79 identified bodies and we still have 18 unidentified retrieved bodies,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ni Incident Commander Engineer Ariel Capoy na isinasagawa pa rin ang excavation work ng search and retrieval team sa ground zero para sa siyam katao na nawawala.

Apat sa mga nawawala pa rin ay mula sa komunidad, apat mula sa Maria-Socio General Services Inc. (MSGSI) at isa mula sa APEX Mining.

Matatandaan na noong Pebrero 6 ay naganap ang landslide sa apat na barangay, dahilan para malubog ang maraming tirahan, barangay hall at terminal ng bus. RNT/JGC

Previous articleBajo de Masinloc sinisira ng China – BFAR
Next articleRabiya, inireklamo ng cyber libel!