Home NATIONWIDE Patay sa landslide sa China, 31 na

Patay sa landslide sa China, 31 na

CHINA – Umakyat na sa 31 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi sa landslide sa liblib at bulubunduking bahagi ng Yunnan, China.

Nangyari ang trahedya alas-6 ng umaga nitong Lunes, Enero 22 sa Liangshui sa northeastern part ng Yunnan.

Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na kabuuang 44 katao ang posibleng nawawala o nasawi sa kalamidad.

Nagpatuloy ang rescue operations matapos itong makansela dahil sa panibagong landslide alert.

Nagtulong-tulong ang mahigit 1,000 rescuers sa malamig at masamang panahon. RNT/JGC

Previous articlePeople’s Initiative para sa Cha-cha may sapat nang lagda – Salceda
Next articleLeBron, Curry sasabak sa Paris Olympics