Home HOME BANNER STORY Patay sa landslide sa Davao, 13 na – OCD

Patay sa landslide sa Davao, 13 na – OCD

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa magkahiwalay na insidente ng landslide sa Davao region.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Linggo, Enero 21, 10 ang nasawi sa Barangay Mt. Diwata sa Monkayo, Davao de Oro; dalawa sa Davao City, at isa sa Maragusan, Davao de Oro.

“Sa casualties, 13 ang patay, anim ang injured, at meron pang isa pang isang missing… Ang nawawala ay sa Mt. Diwata pa rin,” sinabi ni OCD Region 11 Director Ednar Dayanghirang sa panayam ng DZBB.

Nasa 490,000 indibidwal o 111,000 pamilya sa 297 barangay ang apektado rin ng pagbaha sa buong Davao region.

Samantala, ang pinsala sa agrikultura ay umakyat na sa P57 million, habang 40 tirahan ang napinsala ng pagbaha at landslide.

“Mayroon pang mga tao na nasa evacuation center ngunit konti na lang,” ani Dayanghirang.

Isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Davao del Norte at lima iba pang munisipalidad. RNT/JGC

Previous articleSelf-reliance sa mga komunidad sa pamamagitan ng backyard farming isinusulong ng DILG
Next articleCHED chairman: I did not stop K-to-12 in SUCs