Home HOME BANNER STORY Patay sa lindol sa DavOcc, 11 na!

Patay sa lindol sa DavOcc, 11 na!

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 11 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental, iniulat ng Department of Health nitong Martes, Nobyembre 21.

Ayon sa DOH, maliban sa mga nasawi, may kabuuang 730 indibidwal din ang nasaktan dahil sa lindol.

Sa nasabing bilang, 41 ang naka-admit sa mga ospital.

Samantala, sinabi ng DOH na nananatiling “functional” ang mga ospital sa rehiyon bagama’t patuloy ang kanilang assessment sa mga napinsalang pasilidad.

“While the DOH conducts its health facility assessment to check for damages within hospitals and health facilities, rest assured that at present, these are still functional and are able to provide health services to individuals affected by the earthquake,” saad sa pahayag ng kagawaran.

Samantala, iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Martes na kabuuang 3,696 pamilya o 16,293 indibidwal sa Davao region at Soccsksargen ang naapektuhan ng lindol.

Matatandaan na niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental noong Biyernes ng hapon. RNT/JGC

Previous articleShear line sa Northern Samar, nagbuhos ng matinding ulan na katumbas ng isang buwan
Next articleHigit 24K pamilya inilikas sa matinding pagbaha sa Northern Samar