Home NATIONWIDE Patay sa M-6.1 na lindol sa China, 111 na

Patay sa M-6.1 na lindol sa China, 111 na

CHINA – Umakyat na sa 111 ang bilang ng mga nasawi habang sugatan ang mahigit 230 katao sa lindol na tumama sa Gansu-Qinghai border region sa China nitong Martes, Disyembre 19.

Naitala ang magnitude 6.1 na lindol ng European Mediterranean Seismological Centre (EMSC) sa 102 kilometro kanluran, timog-kanluran ng Lanzhou. May lalim itong 35 kilometro.

Inalerto na ng national commission for disaster prevention, reduction and relief at Ministry of Emergency Management ng China ang level-IV disaster relief emergency.

Naging pahirapan naman ang rescue efforts sa lugar dahil sa mataas na lokasyon ng rehiyon na sinabayan pa ng malamig na panahon.

Napinsala naman ang maraming imprastruktura bagama’t wala pang eksaktong datos ang mga opisyal patungkol dito.

Nasa siyam na aftershock ang naitala pagkatapos ng lindol. RNT/JGC

Previous articleP14.5B investment pledges nauwi ng Pinas sa Japan trip
Next articleMMDA namahagi ng gift packs sa riders