Home HOME BANNER STORY Patay sa malagim na trahedya sa NegOr umakyat sa 15

Patay sa malagim na trahedya sa NegOr umakyat sa 15

CEBU CITY, Philippines – Isa pang biktima ng malagim na aksidente sa kalsada sa bayan ng Mabinay sa Negros Oriental ang nasawi.

Bunsod nito, tumaas na sa 15 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa road accident nitong Miyerkules ng hapon, ayon kay Lieutenant Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO).

Base sa ulat, dalawa pang biktima, kabilang ang driver ng truck na si Antonio Toreno, ang nananatiling naka-admit sa Mabinay Community Hospital para lapatan ng lunas.

Sa ulat, sinabi ng Mabinay Police Station na nangyari ang aksidente sa kalsada sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bulwang sa bayan ng Mabinay dakong ala-1:46 ng hapon.

Ang aksidente sa kalsada ay nagsasangkot ng isang trak na lulan ng 17 indibidwal, kabilang si Toreno. Lahat ng mga biktima ay mula sa bayan ng La Libertad sa Negros Oriental.

Sa ulat nito, sinabi ng pulisya na nawalan ng kontrol ang driver sa trak dahilan para mahulog ito sa bangin.

Sinabi ng Mabinay police sa kanilang inisyal na ulat na hindi bababa sa 11 indibidwal ang namatay on the spot habang apat pa ang iniulat na nasugatan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ireneo Magos y Acabo, 37; Fe Decipolo y Egoogan; Rolindo Decipolo Sr. y Rusiana, 63; Jemboy Egoogan; Rolindo Decipolo Jr. y Egoogan, 29; Marlon Solidad, 46; Rex Decipolo y Egoogan, 33; Rene Magos y Acabo, 46; Allan Flores y Tapales, 36; Allen Pocong y Gako, 44; Remond Llenes y Egoogan, 29; Roy Magos y Acabo, 29; Leo Soreño y Estorco, 43; Jacob Labrador, 28; at Almar Egoogan y Gargoles, 26.

Ang dalawang sugatang indibidwal na nananatili sa ospital ay sina Toreno at Jovanni Flores y Timtim. RNT

Previous articlePrayer rally at protest action, ilulunsad vs Cha-cha
Next articleP131M combined lotto jackpots ‘di napanalunan