MANILA, Philippines- Umakyat na sa anim ang naiulat na nasawi dahil sa Magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental nitong Biyernes, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Sabado.
Ayon sa ulat, iniulat ng Office of Civil Defense Region 12 na nagmula ang tatlong namatay sa General Santos City, dalawa sa munisipalidad ng Malapatan, at isa sa Glan sa Sarangani.
Gayundin, 17 gusali ang nakapag-ulat ng pinsala sa mga istraktura.
Samantala, sinusuri pa ng OCD ang kabuuang pinsala dulot ng pagyanig.
Nauna nang iniulat ng mga awtoridad ang dalawang nasawi sa General Santos City kasunod ng lindol na tumama sa Sarangani bandang alas-4:14 ng hapon nitong Biyernes.
Kinilala sila na sina Danny Ginong, 26, at Jane Ginong, 18, mula sa Amadeo Compound. Natamaan ang dalawa ng bumigay na concrete wall habang naghahanap ng mapapagtaguan. Kris Jose