Home NATIONWIDE Patay sa pag-ulan sa SoKor, 32 na!

Patay sa pag-ulan sa SoKor, 32 na!

381
0
This handout photo taken and released by National Fire Agency on July 15, 2023, shows South Korean emergency workers searching for survivors at a house destroyed by landslides after heavy rains in Yeongju. - At least 22 people have died and 14 are missing after heavy rain caused flooding and landslides in South Korea, officials said on July 15, with thousands more ordered to evacuate their homes. (Photo by Handout / National Fire Agency / AFP) / RESTRICTED TO EDITORIAL USE - MANDATORY CREDIT "AFP PHOTO / NATIONAL FIRE AGENCY" - NO MARKETING NO ADVERTISING CAMPAIGNS - DISTRIBUTED AS A SERVICE TO CLIENTS - RESTRICTED TO EDITORIAL USE - MANDATORY CREDIT "AFP PHOTO / National Fire Agency" - NO MARKETING NO ADVERTISING CAMPAIGNS - DISTRIBUTED AS A SERVICE TO CLIENTS /

ANKARA — Umakyat na sa 32 ang patay mula sa pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan sa South Korea, sa pagrekober ng anim pang bangkay mula sa isang bus na na-trap mula sa binahang underground tunnel sa Osong, ayon sa ulat nitong Linggo, base sa government at rescue authorities.

Mahigit 10 indibdiwal ang nawawala habang libo-libo ang lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa pinsalang dulot ng ulan.

Pinaniniwalaang marami pang indibidwal ang na-trap sa loob ng tunnel.

Karamihan sa mga nasawi ay naiulat mula sa southeastern province ng North Gyeongsang, kung saan 17 people ang namatay dahil sa landslides at pagguho ng mga tahanan, habang siyam pa ang nawawala.

Isa naman ang naiulat na nawawala sa Busan.

Nakapagtala rin ng 13 sugatan mula sa sakuna.

Mahigit 7,000 indibidwal mula sa 13 lungsod at probinsya ang lumikas ng tahanan.

Gayundin, 211 kalsada ang isinara.

Suspendido naman lahat ng train operations, bagama’t balik-operasyon na ang KTX bullet trains sa ilang seksyon.

Nangako si Prime Minister Han Duck-soo ng “prompt” government efforts upang sagipin ang mga nawawalang indibidwal. RNT/SA

Previous articlePAGSASAKA AT TUBIG
Next articleMayorya ng mga Pinoy, pabor sa pagpapaigting ng PH-US military ties – sarbey

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here