Home HOME BANNER STORY Patay sa Quezon road crash, 4 na

Patay sa Quezon road crash, 4 na

MANILA, Philippines – Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa malagim na aksidente nitong Linggo, Hunyo 2 sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Daniel Camposo, Tiaong police chief, ang ikaapat na nasawi na si Eric Atienza na namatay habang ginagamot sa Quezon Medical Center ilang oras matapos ang aksidente.

Sa ulat ng pulisya, nag-overtake ang van na minamaneho ni Emgee Compuesto sa Maharlika Highway sa Barangay Talisay, alas-3:30 ng umaga sa isang Mitsubishi Xpander.

Tinamaan ng van ang gilid ng Xpander saka sumalpok sa paparating na bus ng Bicol Isarog na patungo ng Manila.

Dead on the spot ang tatlong pasahero ng van habang dinala naman sa QMC ang mga sugatan kabilang ang drayber at pito iba pa.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Compuesto matapos na gamutin sa ospital.

Nahaharap sa kasong kriminal ang drayber dahil sa pagkamatay ng apat na pasahero at pagkasugat ng anim iba pa.

Ang mga biktima ay patungo sana sa Masbate City para dumalo sa isang family event kung saan nirentahan nila ang van ni Compuesto. RNT/JGC