Home OPINION PATAY SA SUNOG PARAMI NANG PARAMI

PATAY SA SUNOG PARAMI NANG PARAMI

MAIMADYIN ba ninyo, mga Bro, kung paano malitson sa sunog?

Kung mabubuhay ka, iba na ang itsura mo.

Iba na ang porma ng mukha at maging ang ibang mga parte ng katawan mo.

Ang masakit dito, matagal kang makarekober bago ka makabalik sa trabaho dahil magpapagaling ka muna.

Ang mas masakit, baka hindi ka na makabalik sa trabaho sa rami ng nawala sa iyong iyong katawan, kasama na ang talino, gilas at iba pa sa trabaho.

Kung matutuluyan ka, si Lord na ang bahala sa iyo.

Paano naman kung naabo ka na?
Sabagay, bentahe mo dahil menos gastos ang iyong pamilya sa cremation.

Kandila lang na sisindihan para sa iyo, sapat na.

DUMARAMI ANG PATAY

Sunod-sunod ang mga sunog na may mga namamatay, kaya naman hindi pupwedeng hindi ito tatalakayin para sa pagpigil nito at kaligtasan habang may sunog.

Sa Iloilo City, kinilala ni Teresa Gelogo, head ng City Social Welfare and Development Office ang mga namatay na sina Elizabeth Jetano, 65; her son Nell Gabriel, 33; and Gabriel’s daughter, Rain, 10.

Karambola sina Mayor Jerry Treñas sa pag-ayuda sa mga namatayan at 70 pamilyang nawalan ng tahanan mula sa 64 na bahay at gusaling ganap na natupok at nadamay pa ang isang eskwela at gusaling pangnegosyo.

Bacoor, Cavite naman, namatay ang apat katao at 87 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Grabe ang sunog dahil hindi makapasok ang mga bumbero sa kitid ng daan patungo sa looban, ayon kay BFP Bacoor Fire Chief Inspector Alexander Baena.

Sa Barangay C0mmonwelath, Quezon City, tatlo ang nasugatan pero natupok ang 50 kabahayan at nahirapan din ang mga bumbero na pumasok para apulahin ang apoy dahil sa sikip ng mga daanan papasok.

Pero may kakaibang sangkap ang sunog dito: Inginuso ang isang magkapatid na nanunog at noon pa pinetisyon na lalayas ang mga ito dahil sa panununog din.

MGA PROBLEMA AT KASAGUTAN

Wala pang malinaw na pinagsimulan ng mga sunog na ‘yan na pero may 150 katao nang nasawi simula noong Enero.

Pero ang klaro, mga Bro, hindi makatulong at makagalaw mismo ang mga bumbero dahil sa masisikip na daan.

Hindi naman natin masisisi ang mga may tahanan gawa ng light materials gaya ng mga plywood at kahoy dahil sa hirap ng buhay sa konstraksyon ng mga kongkretong gusali.

Ngayon, papayagan ba ng mga lokal na pamahalaan na sakaling magtayo ang mga tao ng kani-kanilang mga tahanan, gayun pa rin walang madaanan ang mga bumbero?

Paano ang petisyon sa pagpapalayas sa mga sadyang nanununog?

Sapat na bang bugbugin na lang sila gaya ng nangyari?

Nasaan ang mga training ng mga mamamayan at kagamitang pamatay-sunog sa mga lugar gaya ng imbakan ng mga tubig para masalukan habang nagsisimula pa lang ang sunog?

Previous articleHOLDAP AT SALISI SA SIMBANG GABI
Next articleLotto Draw Result as of | December 17, 2023