MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Biyernes, Mayo 19, na umakyat na sa tatlo ang nasawi sa pagtumba ng puno ng balete sa ilang kabahayan sa Estero de Magdalena sa Recto Avenue, Maynila.
Tumaas naman sa siyam ang mga nasaktan.
Samantala, inatasan na ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang Bureau of Fire Protection (BFP) na imbestigahan ang insidente at ibigay sa kanya ang mga rekomendasyon upang maiwasang mangyari ang kahalintulad sa hinaharap.
“Nagbigay na rin ako ng direktiba sa BFP na imbestigahan ang insidente at inaasahan ko na magsasubmit sila ng report at mga rekomendasyon sa mga susunod na araw,” aniya.
Advertisement