MANILA, Philippines- Binubusisi ng lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte sa Bulacanan ang reklamo ng mga customer sa water supply issues sa lungsod.
Inilatag ng consumer advocacy group Alyansa ng Maralitang San Joseño ang mga isyu na nakaaapekto sa mahigit 600,000 residente sa pulong kasama ang mga lokal na opisyal, kabilang ang “unforeseeable interruptions, and the hefty cost of water services.”
Sinabi ni San Jose del Monte Mayor Arthur Robes na makikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa water concessionaires upang tugunan ang mga reklamo.
Kasunod ang mga usaping ito ng pagbasura ng Bulacan residents sa pagtatalaga sa San Jose del Monte bilang highly urbanized city sa isang plebisito na isinagawa kasabay ng Barangay and Sangguinang Kabataan Elections.
Pasok ang San Jose del Monte sa mga rekisitos upang maging isang highly urbanized city dahil may populasyon ito na mahigit 600,000, at kumita ng mahigit ₱680 milyon noong nakaraang taon. RNT/SA