Home ENTERTAINMENT Paul Salas, nangakong darating sa The Voices Of Beauty Wise grand finals!

Paul Salas, nangakong darating sa The Voices Of Beauty Wise grand finals!

Manila, Philippines – Kasado na ang siyam na grand finalists ng The Voices Of Beauty Wise na pinili ng mga hurado out of 22 semi candidates all over the Philippines.

Brainchild ang singing contest ng Beauty Wise Philippines CEO Iya Gala.

Gaganapin ang Finals sa June 30, Farmer’s Plaza Ground, Araneta Center, Cubao.

Inaasahang darating ang endorser ng Beauty Wise na si Paul Salas para magpasaya sa audience.

Napili ring guest performer and one of the judges si Asia’s Soprano Diva Kathy Hipolito Mas. Kasama pang hurado sina coach Jerwin Necomides at si CEO Iya.

Hosted by unpredictable host and singer Jerome Sarabia.

Lover of music si Ms. Iya at mahilig din siyang umawit at umarte kaya naging pet project niya ang The Voices Of Beauty Wise season 1.

Layunin ng singing contest na mas lalo pang maabot ang maraming mamamayan sa tunay na message ng organizer. Noel Asinas