Home ENTERTAINMENT Pauleen, nanganak na!

Pauleen, nanganak na!

Manila, Philippines – Alas siyete ng umaga nitong January 23, Martes nang isilang ni

Pauleen Luna ang ikalawang anak nila ni Vic Sotto.

Pauleen delivered the baby via caesarian section.

CS din nang iluwal ni Pauleen ang kanilang panganay na si Talitha o Tali, now six years old.

Excited na ipinost ni Pauleen isang araw bago ang kanyang panganganak sa Instagram.

Aniya: “This is my last pregnant selfie.”

Base nga sa gender reveal, babae ang dinadala ni Pauleen.

Pansamantala niya itong tinawag na Baby Mochi.

She can’t wait na raw makita’t mayakap ang bagong silang na anak.

In her post, nilinaw ni Pauleen that with Mochi, “things will be a little different for Tali.”

Pero aniya, dahil sila lang dalawa ng ina sa loob ng anim na taon, Tali is reassured that she will always be mommy’s first.

Inaabangan na ng mga netizens ang itsura ni Baby Mochi at kung anu-anong features nito ang nakuha mula sa kanyang celebrity parents.

Mula sa Remate Online, congratulations Bossing and Pauleen! Ronnie Carrasco III

Previous articleNanay, tatay, 3 paslit patay sa sunog sa Albay
Next articleSenate probe ni Bato vs ‘ayuda scam’ sinimulan