Home NATIONWIDE Paulit-ulit na kapalpakan ng PNP sa operational procedures, talupan – Tulfo

Paulit-ulit na kapalpakan ng PNP sa operational procedures, talupan – Tulfo

853
0

MANILA, Philippines- Naghain si Senador Raffy Tulfo ng isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang napaulat na pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na hindi sumusunod sa police operational procedures.

Sa paghahain ng Senate Resolution (SR) No. 767, binanggit ni Tulfo ang ilang kapalpakan sa operasyon ng miyembro ng PNP kabilang ang mga pulis ng Pandi, Bulacan at Rodriguez, Rizal.

Isa sa mga nabanggit niya ang insidente noong Agosto 12 kung saan pinasok ng Pandi, Bulacan PNP ang ari-arian ni Rodelio Vicente dahil nagsasagawa umano sila ng manhunt para sa isang alyas “Elmer.”

Si Vicente, na humingi ng tulong sa “Raffy Tulfo in Action,” ay dinala at inaresto ng PNP dahil sa umano’y kaso ng Direct Assault and Disobedience to a person in Authority kahit walang naipakitang warrant of arrest.

Giit ni Tulfo, ang nasabing mga pulis ay hindi nakasuot ng uniporme ngunit nakasuot ng ski mask sa nasabing manhunt operations. Sinaktan pa nila ang babaeng anak ni Vicente.

Ang masaklap pa, pati ang lalaking anak ni Vicente na binisita siya sa presinto ay pinakulong din ng PNP dahil sa umano’y paggawa ng Direct Assault at Disobedience sa isang person in Authority.

Binanggit din ni Tulfo ang kaso ni John Francis Ompad na napatay ni Police Corporal Arnulfo Sabillo ng PNP Rodriguez, Rizal noong Agosto 20.

Ayon sa ulat, nagsimula ang insidente nang hinabol ni Sabillo si John Ace, kapatid ni John Francis, dahil sa pagtanggi umano nitong ipakita ang kanyang dokumento at nagmaneho palayo sa isang checkpoint ng “Oplan Sita.”

Inihagis daw ni John Ace ang kanyang helmet kay Sabillo dahil nakita umano niya ang backrider ni Sabillo na si Jeffrey Baguio, isang sibilyan, na may hinihila palabas.

Sinubukan pa umanong barilin ni Sabillo si John Ace ngunit sa halip ay natamaan nito si John Francis na kalalabas lang ng kanilang bahay.

“Aforementioned two incidents happened within the same month; and just weeks after the death of Jerhode Jemboy Baltazar who was killed by PNP Police Operatives from Navotas under a claim of mistaken identity. The operation was found to have had several irregularities and non-compliance with the PNP Police Operations Procedure,” ani Tulfo.

“The protection of human rights is a fundamental principle enshrined in the Constitution of the Republic of the Philippines. And there is a need for the Police to strictly observe their Police Operations Procedure and to ensure strict application of the internal discipline of the PNP,” dagdag niya. Ernie Reyes

Previous articleTikTok ban para sa uniformed personnel binubusisi ng NSC
Next article1.8M bata mabebenipisyuhan sa supplementary feeding program ng DSWD para sa SY 2023-2024  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here