Home ENTERTAINMENT Paulo, binitbit ang maleta ni Kim, bumawi!

Paulo, binitbit ang maleta ni Kim, bumawi!

Dubai, UAE – Adventures are meant to be enjoyed when shared.

Pero hindi ito ang nangyari sa dapat sana’y adventure na pinagsaluhan nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Dubai, UAE.

“Ipinagdamot” kasi ng aktor ang kanyang moral support man lang sa aktres na inuugnay sa kanya.

Hindi kasi kasamang nag-skydiving ni Kim sa Paulo who should also have been enjoying the sport.

In short, pinabayaan ni Paulo si Kim, kundi man literal na iniwan sa ere.

Sayang, mas naging exciting sana ang Dubai experience ng dalawa kung hindi nagpaka-killjoy o KJ si Paulo.

Duda tuloy ng mga netizens, mas matapang at buo pa pala ang loob ni Kim kesa kay Paulo na naturingan pa manding lalaki.

At least, Kim could proudly say she nailed it, shedding off her fear of heights.

She must be looking forward to doing more “death-defying” stunts in the future.

In fairness, bumawi naman si Paulo sa kanyamg shortcoming.

Itsura ng airport porter na ginawang tagabitbit ni Kim si Paulo ng kanyang mga maleta paglapag ng eroplano sa Pinas.

Lintik lang ang walang ganti! Ronnie Carrasco III